21.7 million SIM naiparehistro na; 12.89 percent pa lang ng kabuuang 168 million subscribers
Umabot na sa kabuuang 21,782,509 na SIM ang naiparehistro sa nagpapatuloy na SIM Registration process.
Ayon sa datos mula sa Department of Information and Technology (DICT) ang nasabing bilang ay 12.89 percent pa lamang ng kabuuang 168,977,773 subscribers sa buong bansa.
Ang Smart Communications Inc. ay nakapagtala na ng 10,813,662 SIMs registered na 15.9% ng kabuuang halos 68 million subscribers nito.
Ang Globe Telecom Inc. naman ay nakapagtala na ng 9,156,909 registered SIM o 10.4% ng mahigit 87.8 million nilang subscribers.
Habang ang DITO Telecommunity Corp. ay nakapagtala na ng 1,811,938 SIMs registered o 13.82% ng mahigit 13 million subscribers.
Paalala ni DICT Spokesperson at Undersecretary Anna Mae Yu Lamentillo, libre o walang anumang karampatang bayad ang pagpaparehistro ng SIM.
Sinabi ni Lamentillo na hindi dapat paniwalaan ang mga nag-aalok ng pai services para sa registration process.
Ayon sa DICT dapat maging mapagmatyag at maingat para masigurong protektado ang kanilang personal na impormasyon.
Narito ang mga opisyal na links kung saan dapat magparehistro:
• SMART – http://smart.com.ph/simreg or simreg.smart.com.ph
• GLOBE – http://new.globe.com.ph/simreg
• DITO – https://digital.dito.ph/pto/download/app (DDC)