Magkakasunod na may kalakasang aftershocks naitala ng Phivolcs sa Davao Occidental
Nakapagtala ng may kalakasang aftershocks sa Davao Occidental ngayong umaga ng Huwebes, Jan. 19, 2023.
Ayon sa Phivolcs naitala ang magnitude 4.3 na lindol sa 228 kilometers southeast ng Balut Island sa Munisipalidad ng Sarangani.
Naitala ito 2:55 ng umaga ng Huwebes.
14 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.
Ganap na 3:55 ng madaling araw naitala naman ng Phivolcs ang magnitude 4.2 na lindol sa 305 kilometers southeast ng Balut Island, Sarangani.
52 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.
At 4:57 ng madaling araw ay muling nakapagtala ng magnitude 4.2 na aftershock, sa 266 kilometers southeast ng Balut Island, Sarangani.
18 kilometers naman ang lalim ng lindol at tectonic din ang origin.
Ang tatlong may kalakasang pagyanig ay pawang aftershocks ng tumamang magnitude 7 na lindol sa Davao Occidental noong Miyerkules Jan. 18. (DDC)