World’s oldest person pumanaw sa edad na 118
Pumanaw na ang French nun na si Sister André na siyang may hawak ng titulo bilang “World’s Oldest Person” sa Guinness.
Inanunsyo ni Toulon City Mayor Hubert Falco ang pagpanaw ng madre sa edad na 118.
Si Sister André na ang tunay na pangalan ay Lucile Randon ay ipinanganak noong February 11, 1904.
Bago maging catholic nun ay nagsilbi siya sa mga kabataan na naapektuhan ng World War III.
Dalawampu’t walong taon siyang nangalaga sa mga orphans at elderly people sa isang ospital.
Maliban sa pagiging “World’s Oldest Person” itinanghal din siya ng Guinness bilang “Oldest nun to ever live”. (DDC)