24 na warrant of arrest inilabas ng korte laban sa dating empleyado ng LTO sa Antique

24 na warrant of arrest inilabas ng korte laban sa dating empleyado ng LTO sa Antique

Nagpalabas ng 24 na warrant of arrest ang korte slaban sa dating kawani ng Land Transportation Office (LTO) na inaakusahang “fixer” sa Antique.

Ipina-aaresto ng korte si Alfredo De Leon, na kilala rin bilang “Fred” De Leon o Alfredo Jose C. De Leon at dating empleyado ng LTO Antique District Office.

Si De Leon ay nahaharap sa 12 bilang ng kasong Falsification of Public Documents at 12 bilang ng kasong paglabag sa Republic Act 11032 o “Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018.”

Ang 24 na magkakahiwalay na kautusan ay inilabas ni Judge Gemma Bordon-Tady, Presiding Judge ng Municipal Trial Court sa San Jose, Antique.

Aabot sa P1.296 milyon ang halaga ng piyansa na hinihingi ng korte mula sa akusado.

Ayon kay LTO Chief Jose Arturo “Jay Art” Tugade, magpapatuloy ang pagsasampa ng kaso laban sa mga korap na empleyado ng LTO bilang bahagi ng kanilang paglilinis sa ahensya. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *