Bagong direct flight sa Cebu patungong Taipei inilunsad sa MCIA
Matagumpay na naidaos ang inaugural flight para sa bagong direktang flight sa Cebu at Taipei sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA).
Inilunsad ang flight ng Taiwan-based carrier na STARLUX Airlines.
Sinalubong ng water canon ang eroplano ng Starlux nang dumating sa MCIA galing ng Taoyuan International Airport.
Araw-araw nang may biyahe ang Starlux Airlines now mula sa Cebu patungong Taipei gami ang 188-seater Airbus A321neo nito.
Dahil sa dagdag na carrier, ang MCIA ay mayroon na ngayong 14 na foreign at 4 na Philippine-based airline partners na bumibiyahe sa 26 na domestic destinations at 10 international destinations. (DDC)