Davao Oriental niyanig ng magnitude 4.0 na lindol
Tumama ang magnitude 4.0 na lindol sa lalawigan ng Davao Oriental.
Ang epicenter ng pagyanig ay naitala ng Phivolcs sa layong 58 kilometers southeast ng Governor Generoso, 6:05 ng umaga ng Miyerkules (Jan. 18).
May lalim na 125 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Naitala ang sumusnod na Instrumental Intensities:
Intensity II
– Don Marcelino, Davao Occidental
Intensity I
– Jose Abad Santos, Davao Occidental
Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks. (DDC)