Camarines Norte niyanig ng magnitude 4.2 na lindol
Tumama ang magnitude 4.2 na lindol sa lalawigan ng Camarines Norte.
Ang epicenter ng pagyanig ay naitala ng Phivolcs sa layong 13 kilometers southeast ng Tinaga Island, 2:39 ng madaling araw ng Miyerkules (Jan. 18).
May lalim na 1 kilometer ang lindol at tectonic ang origin.
Naitala ang Instrumental Intensity II sa Daet, Jose Panganiban at Mercedes, Camarines Norte.
Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks. (DDC)