Aircraft na may lulang 7 pasahero at 2 crew nagkaproblema habang nasa runway ng NAIA
Isang aircraft na may sakay na 7 pasahero at 2 crew ang nagkaproblema at huminto sa runway ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Agad rumesponde ang mga tauhan ng Manila International Airport Authority (MIAA) Rescue and Firefighting Division, Airport Grounds Operation and Safety Division, Medical Team and Airport Security, at mga imbestigador mula sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).
Ayon sa pahayag ng MIAA, nagkaproblema sa Runway 13/13 ang King Air aircraft dakong 10:05 ng umaga ng Martes, Jan. 17.
Ligtas naman ang lahat ng 5 pasahero at 2 crew ng eroplano na agad naasistihan ng MIAA Rescue Team.
Dakong 10:43 ng umaga nang maialis sa runway ang eroplano at agad ding nabuksan ang Runway 13/31.
Wala namang naapektuhang flights bunsod ng insidente. (DDC)