Mabuhay Lanes patuloy na tututukan ng MMDA at DILG
Pananatilihin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa koordinasyon ng Department of the Interior and Local Government, National Capital Region Police Office, at local government units na nakasasakop sa mga Mabuhay Lanes, ang pagtatanggal ng mga sagabal sa kalsada maging ang mga alternatibong ruta sa Metro Manila.
Sa idinaos na ceremonial send-off sa Baclaran, Pasay City,sinabi ni MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes na magdedeploy ng tatlong grupo para linisin ang Mabuhay Lanes na magsisilbing mga alternatibong ruta para sa mga motorista.
Aniya regular ang mga operasyon at pagturn-over ng mga nalinis na lugar sa mga barangay chairman na bahagi sa memorandum of agreement sa pagitan ng ahensya at ng DILG upang mapanatilo ang kalinisan at kaayusan sa mga kalsada.
“We shall have no let-up in clearing the Mabuhay Lanes of different kinds of obstructions. That is a proof that the government is serious in making our key routes accessible,” ani Artes.
“Everytime the MMDA, DILG, and the police force conduct clearing, it will be turned over to the barangay captain in charge of the area. Those who will fail to maintain its cleanliness and orderliness could be charged with an administrative case,” babala pa ng MMDA chief.
Inihayag naman ni DILG Undersecretary for Barangay Affairs Felicito Valmocina na ang kanilang tanggapan ay may monitoring team na nakikipag-ugnayan sa DILG-NCR para siguruhing malinis at maaliwalas ang Mabuhay Lanes.
“We will be employing new approaches to ensure commitment and prioritization of obstruction-free Mabuhay Lanes. It is high time for our LGUs, especially our barangay heads, to act and sustain our clearing efforts,” dugtong nito.
Ayon pa kay Artes na hihingi ang MMDA ng suporta kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ukol sa planong pagtatayo ng isang permanenteng erya para sa mga vendor sa Baclaran upang bigyan sila ng mapagtitindahang lugar nang hindi sila sa mga kalsada.
Suportado naman ni Pasay City Mayor Imelda Calixto-Rubiano ang naturang plano para sa mga vendor sa Baclaran maging ang pagsasaayos sa Mabuhay Lanes na parte ng pananaw ng lungsod.
“We are one with the government agencies in making the landscape of our community better as this is one of the grand vision of Pasay – to become a sustainable and smart eco-city,” pahayag ng alkalde. (Bhelle Gamboa)