Dagupan City Chinese Heritage Day, isasagawa sa pagsalubong sa Chinese New Year

Dagupan City Chinese Heritage Day, isasagawa sa pagsalubong sa Chinese New Year

Inihahanda na ang maagang pagsalubong sa 2023 Chinese New Year na gaganapin sa Dagupan City Chinese Heritage Day sa Huwebes, January 19.

Ang aktibidad ay pangungunahan ni Dagupan City Mayor Belen Fernandez katuwang ang Dagupan City Tourism Office at mga miyembro ng Chinese Community sa lungsod.

Ayon kay Edward Cham ng Pangasinan Filipino Chinese Chamber of Commerce, joint celebration ang magaganap na pagdiriwang ng Chinese New Year sa Dagupan na itinuturing aniya bilang “First Chinatown in the Philippines.”

Ang pagsalubong sa Year of the Water Rabbit ay uumpisahan sa pamamamgitan ng isang motorcade sa central business district at pagpapamahagi ng mga tokens o angpao.

Magkakaroon din ng Dragon at Lion Dance na tradisyon tuwing Chinese New Year.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *