P99M halaga ng ayuda ipinamahagi sa mga biktima ng baha sa Visayas at Mindanao
Nakapagpamahagi na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng kabuuang P88 milyon na halaga ng ayusa sa mga komunidad na naapektuhan ng baha sa mga rehiyon sa Visayas at Mindanao, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na agad hatiran ng tulong ang mga residente sa mga binahang lugar.
“So far, naka-distribute na po ang DSWD ng P88 million in total assistance po dito via food, non-food at mga emergency cash assistance natin na bigay sa ating mga affected communities doon,” ayon kay Undersecretary Edu Punay, Officer-in-Charge ng DSWD.
“At this point po, mayroong 378 na evacuation centers na still existing in those regions with 102,500 individuals there,” dagdag pa niya.
Sa kabila naman nito, sinabi ni Punay na mayroon pang P1.2 bilyon na stockpile at quick response fund (QRF) ang DSWD na ready for disposal.
Nakapagtala aniya ang DSWD ng 1.8 milyong indibidwal na naapektuhan ng baha at malalakas na pag-ulan sa Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, at Northern Mindanao.
“More than three weeks na po silang binabaha doon, pabalik-balik ang pagbabaha. Sa utos naman ng Pangulo, talagang agaran tayong nagbigay ng assistance,” saad ng opisyal.
Matatandaang nagtungo noong nakaraang Miyerkules si Pangulong Marcos sa Misamis Oriental at Misamis Occidental upang alamin ang sitwasyon at pagkalooban ng tulong ang mga apektadong pamilya. (DDC)