Flight data, voice recorders na-recover sa bumagsak na eroplano sa Nepal
Nakuha na ng mga search team ang flight data at cockpit voice recorders mula sa passenger plane na nag-crash sa Nepal.
Umabot sa 69 sa 72 sakay ng eroplano ang nasawi sa itinuturing na
deadliest plane crash sa Nepal sa nakalipas na 30 taon.
Sa 72 sakay ng eroplano, 68 ang pasahero habang 4 ang crew ayon kay Yeti Airlines spokesman Sudarshan Bartaula.
Karamihan sa mga sakay ng eroplano ay pauwi sa Pokhara.
Hanggang sa ngayon ay wala pang malinaw na dahilan kung bakit bumagsak ang eroplano at patuloy pa ang imbestigasyon dito ng mga otoridad.
Daan-daang responders pa ang nasa crash site para mahanap ang mga nawawala pang indibidwal. (DDC)