Walong lugar sa bansa positibo sa red tide – BFAR
Walong coastal areas sa bansa ang positibo sa paralytic shellfish poison (PSP) o red tide ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Sa inilabas na shellfish bulletin, sinabi ng BFAR na hindi ligtas para sa human consumption ang lahat ng uri ng shellfish kabilang ang alamang na kinuha sa sumusunod na mga lugar:
– coastal waters ng Milagros, Masbate;
– coastal waters ng Panay, Capiz
– coastal waters ng President Roxas, Capiz
– coastal waters ng Pilar, Capiz
– coastal waters ng Dauis, Bohol
– coastal waters ng Tagbilaran City, Bohol
– Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur
– Lianga Bay sa Surigao del Sur
Ang iba pang seafood na mula sa nasabing mga lugar ay ligtas namang kainin.
Kabilang dito ang mga isda, pusit, hipon at alimango basta’t tiyakin lamang na sariwa, huhugasan ng mabuti, at aalisin ang internal organs bago lutuin.
Samantala, sinabi ng BFAR na ligtas naman na sa toxic red tide ang Irong-irong at San Pedro Bays sa Samar. (DDC)