Camarines Norte niyanig ng magnitude 4.8 na lindol
Tumama ang magnitude 4.8 na lindol sa lalawigan ng Camarines Norte.
Ayon sa Phivolcs, ang epicenter ng lindol ay sa layong 12 kilometers southeast ng Tinaga Island.
Naitala ang pagyanig 5:57 ng umaga ng Martes, Jan. 17.
May lalim na 1 kilometer ang lindol at tectonic ang origin.
Sa unang impormasyon na inilabas ng Phivolcs ay nakasaad na 5.3 ang magnitude ng lindol pero kalaunan ay ibinaba ito sa 4.8 magnitude.
Naitala ang sumusunod na Intensities:
Intensity V:
– Mercedes, Camarines Norte
Intensity IV
– Guinayangan, Quezon
– Tagkawayan, Quezon
Intensity III
– Buenavista, Quezon
– Lopez, Quezon
– Naga City, Camarines Sur
Intensity II
– Catanauan, Quezon
– San Narciso, Quezon
Ayon sa Phivolcs posibleng makaranas ng aftershocks bunsod ng naturang lindol. (DDC)