Dalawang LPA binabantayan ng PAGASA sa loob ng bansa

Dalawang LPA binabantayan ng PAGASA sa loob ng bansa

Mayroong dalawang Low Pressure Area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon sa PAGASA ang isang LPA ay huling namataan sa layong 290 kilometers east ng Maasin City, Southern Leyte.

Habang ang isa pa ay nasa layong 125 kilometers west ng Puerto Princesa City, Palawan.

Sa weather forecast ng PAGASA, ngayong Martes, Jan. 17, makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Bicol Region at Quezon dahil sa LPA at Shear Line.

Maulap na papawirin naman na may pag-ulan ang mararanasan sa Batanes, Cagayan at Apayao dahil sa Amihan.

Sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng Luzon, makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may mahihinang pag-ulan dahil din sa Amihan.

Habang sa nalalabing bahagi ng bansa, bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin ang iiral na mayroong isolated na pag-ulan dahil sa LPA at localized thunderstorms. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *