33 magsasaka sa Cebu nakatanggap ng agricultural land mula sa pamaalaan

33 magsasaka sa Cebu nakatanggap ng agricultural land mula sa pamaalaan

Natanggap na ng 33 agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa lalawigan ng Cebu ang ang kabuuang 26.53 ektarya ng lupang agrikultural mula sa Department of Agrarian Reform (DAR).

Ang 12.68 ektarya ng lupain mula sa mga bayan ng Barili ay ipinamahagi sa 11 ARBs; 7.27 ektarya sa bayan ng Badian na may para sa 14 na ARBs; at 6.58 ektarya sa Argao na para sa 8 ARBs.

Ang nasabing mga lupain ay bahagi ng lupa na sinasaka ng mga ninuno ng mga benepisyaryo sa maraming taon.

Ang aktibidad ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kay DAR Secretary Conrado Estrella III, na pabilisin ang pamamahagi ng mga lupa sa mga magsasakang walang lupa.

Binati ni Grace Fua, Provincial Agrarian Reform Program Officer II ang mga magsasaka at pinaalalahanan sila ng kanilang mga responsibilidad at obligasyon habang kanilang tinatanggap ang mga lupaing ipinagkaloob sa kanila ng pamahalaan.

Sinabi ni Fua na gagamitin ng mga benepisyaryo ang nasabing mga lupain para taniman.

Hinikayat din ni Fua ang mga magsasaka na sumali sa mga organisasyon ng mga ARB dahil aniya ay idinadaan ng DAR ang iba’t ibang suportang serbisyo sa pamamagitan ng mga organisasyong ito. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *