Ilang residente sa Monkayo, Davao De Oro inilikas dahil sa pangamba ng landslide

Ilang residente sa Monkayo, Davao De Oro inilikas dahil sa pangamba ng landslide

Inilikas ang ilang residente sa Davao De Oro dahil sa pangamba na maaaring magkaroon ng landslide dahil sa nararanasang malakas na pag-ulan.

Noong Jan. 14 ay nagkaroon na ng pagguho ng lupa sa Ppurok Waling-waling sa Brgy. Maninit sa munisipalidad ng Maco kung saan umabot sa 24 na pamilya ang naapektuhan.

Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Managament Office (MDRRMO) ng Maco, anim na bahay ang napinsala sa landslide habang mayroon pang pito na partially damaged.

Para matiyak na ligtas ang mga residente, inilikas na din ang mga naninirahan sa bahagi ng Brgy. Mt. Diwata sa Monkayo.

Ito ay base sa kautusan ni Monkayo Mayor Manuel Zamora dahil sa nararanasang sama ng panahon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *