Pinsala sa agrikultura ng pag-ulan dulot ng Shearline, ITCZ, LPA at Amihan umakyat na sa P746M
Umabot na sa mahigit P746.5 million ang halaga ng pinsala sa agrikultura ng mga naranasang pag-ulan at pagbaha dulot ng Shearline, ITCZ, LPA at Northeast Monsoon sa mga rehiyon sa bansa.
Ayon sa datos mula sa Department of Agriculture (DA), ang mga lugar na naapektuhan ay sa mga rehiyon ng MIMAROPA, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, at Caraga.
Umabot sa 36,307 na mga magsasaka ang naapektuhan at 14,158 metric tons ng pananim ang nasira.
Kabilang sa napinsala ang mga pananim na palay, mais, at high value crops.
Umabot din sa 626 na mga livestock at poultry ang nasawi na katumbas ng P1.02 million na halaga. (DDC)