Lalaking nagbebenta ng pawikan at piranha online naaresto sa Antipolo City

Lalaking nagbebenta ng pawikan at piranha online naaresto sa Antipolo City

Inaresto ng mga tauhan ng PNP Maritime Group ang isang lalaki sa Antipolo City dahil sa ilegal na pagbebenta online ng wildlife.

Ang operasyon ay ikinasa ng Northern NCR Maritime Police Station team sa pamumuno ni PMaj. Robert Alvin Gutierrez kung saan naaresto ang isang alyas “Roy”.

Nahulihan ang suspek ng isang common Snapping Turtle at dalawang Red-Bellied Piranha.

Ayon sa mga otoridad, gamit ang Facebook messenger account na “Roy Lee” iniaalok ng suspek ang wildlife sa mga online buyer.

Ang isang Common Snapping Turtle ay ibinebenta ng suspek sa halagang P6,500 habang ang dalawang Red-Bellied Piranha ay P2,000.

Para madakip ang suspek, mayroong nagpanggap na bibili ng mga wildlife at nang maisagawa ang transaksyon at maiabot ang marked money ay agad siyang hinuli ng mga pulis.

Nabigo ang suspek na magpresenta ng mga dokumento mula sa DENR at BFAR para matuayang legal ang pag-aari niya sa mga wildlife.

Mahaharap siya sa kasong paglabag sa RA 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act at RA 10654 o The Philippine Fisheries Code of 1998. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *