Pagbiyahe ng mga mineral ore mula Zambales patungong China hinarang ng Coast Guard

Pagbiyahe ng mga mineral ore mula Zambales patungong China hinarang ng Coast Guard

Nagpalabas ng cease and desist order ang Philippine Coast Guard (PCG) laban sa kargamentong naglalaman ng mineral ores na lulan ng isang barko sa Sta. Cruz, Zambales.

Ang kautusan ng Task Force Aduana ng PCG ay para mapigilan ang pagbiyahe ng mineral ores na naka-consign sa Yinglong Steel Corporation (YSC) at lulan ng “MV Van Knight”.

Ayon sa Bureau of Customs (BOC), dadalhin ng nasabing barko ang hindi pa batid na dami ng mineral ore mula sa Pilipinas patungong China.

Sa datos mula sa Department of Environment and Natural Resources-Mines and Geosciences Bureau (DENR-MGB) ang mineral ore export permit ng YSC ay suspendido simula pa noong January 12, 2023 dahil sa paglabag sa Presidential Decree No. 1586 o Establishing an Environmental Impact Statement System.

Nagpadala na ng mga tauhan ang PCG Task Force Aduana sa barko para masigurong hindi ito makaaalis sa vicinity waters ng Sta. Cruz, Zambales. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *