10 flight attendants ng PAL nahulihan ng sibuyas at prutas galing Dubai at Riyadh

10 flight attendants ng PAL nahulihan ng sibuyas at prutas galing Dubai at Riyadh

Kinumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang mga sibuyas at prutas na iniuwi sa bansa ng 10 Flight Attendants ng Philippine Airlines (PAL).

Ayon sa BOC, ang mga sibuyas at prutas na galing ng Dubai, UAE at Riyadh, Saudi Arabia ay pawang walang import permit o clearance mula sa Bureau of Plant Industry (BPI).

Natuklasan ang mga ito sa bagahe ng 10 PAL Flight Attendants matapos na isailalim sa physical examinations ang kanilang mga gamit.

Sa ilalim ng Customs Modernization and Tariff Act, ang pag-aangkat ng plant products ay maituturing na “Regulated Importations” kaya kailangan ng clearance o permit mula sa government regulatory agency.

Magsasagawa din ng imbestigasyon hinggil sa posibleng kaso na paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act at Presidential Decree 1433 laban sa sa 10 flight crew. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *