Leyte niyanig ng magnitude 4.7 na lindol
Nakapagtala ng magnitude 4.7 na lindol sa lalawigan ng Leyte.
Ayon sa Phivolcs ang epicenter ng lindol ay naitala sa layong 7 kilometers southeast ng Leyte, Leyte 5:32 ng umaga ng Lunes, Jan. 16.
May lalim na 7 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Naitala ang sumusunod na Instrumental Intensities:
Intensity III – Kananga, Leyte
Intensity I – Ormoc City, Leyte
Ayon sa Phivolcs ang pagyanig ay aftershock ng magnitude 5.1 na tumama sa Leyte noong Jan. 15 ng gabi. (DDC)