Tatlong weather system magpapaulan sa Metro Manila at malaking bahagi ng Luzon
Makararanas ng maulan na panahon ang Metro Manila at malaking bahagi ng Luzon dahil sa umiiral na tatlong weather system.
Ayon sa PAGASA, mayroon pa ring binabantayang Low Pressure Area na huling namataan sa layong 180 kilometers east ng East Butuan City, Agusan del Norte.
Sa weather forecast ng PAGASA ngayong Lunes (Jan. 16) ang LPA at Shear Line ay magdudulot ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Metro Manila, Bicol Region, MIMAROPA at CALABARZON.
Maulap na papawirin din na may pag-ulan ang mararanasan sa Batanes, Cagayan at Apayao dahil sa Amihan.
Habang bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may mahinang pag-ulan ang mararanasan sa Ilocos region, nalalabing bahagi ng Cordillera Administrative Region, at sa nalalabing bahagi ng Cagayan Valley dahil din sa Amihan.
Sa nalalabing bahagi ng bansa, bahagyang maulap hanggang sa sa maulap na papawirin din ang mararanasan na mayroong isolated na pag-ulan dahil LPA at localized thunderstorms. (DDC)