State of Calamity ipadedeklara sa Lake Sebu sa South Cotabato dahil sa fish kill
Posibleng magdeklara ng state of Calamity sa Lake Sebu, South Cotabato dahil sa naranasang fish kill.
Ayon kay Deputy lake warden Jose Rudy Muyco, magsusumite sila ng rekomendasyon kay Mayor Floro Gandam para sa deklarasyon matapos makapagtala na ng mahigit P10 million halaga ng tilapia na napinsala ng fish kill.
Umabot na sa 1,340 fish cages mula sa mga barangay ng Poblacion at Bacdulong ang apektado ng fish kill.
Nagsimula ang fish kill noong Martes pero simula noong Jan. 1 ay may mangilan-ngilan nang isda na nasasawi. (DDC)