2 Chinese nationals arestado sa entrapment operation sa Taguig
Dalawang Chinese nationals ang inaresto ng otoridad sa isang entrapment operation sa Taguig City.
Kinilala ni Southern Police District (SPD) Director, Brigadier General Kirby John Kraft ang nga suspek na sina Fei He, 40, at Haikang Lyu, 32
Ikinasa ang entrapment operation ng mga tauhan ng Sub-station Taguig City Police Station sa Uptown Parade, BGC, Brgy. Fort Bonifacio, na nagresulta sa pagkakadakip sa dalawang Chinese nationals.
Nag-ugat ang operasyon matapos magreklamo ang isang Aska Abigail Yamamoto, 32 anyos at isang casino dealer, na biktima siya ng pangho-holdap noong Jan. 12 ng madaling araw kung saan ay pinatutubos ng mga suspek ang natangay na personal niyang gamit sa halagang P20,000.
Nakuha sa mga suspek ang personal na gamit ng biktima kabilang ang isang Cebuana Bank Card, PhilHealth ID, Vaccination Card, passport card, pink iPhone 13, maroon coin purse, gold cigarette case, at marked money.
Bukod dito, nakuhanan din umano ng shabu ang dalawang Chinese.
Nakapiit ang mga suspek sa detention cell ng Taguig City Police Station habang inihahanda ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa naturang mga dayuhan. (Bhelle Gamboa)