Lima, Peru isinailalim sa state of emergency dahil sa mga kilos protesta

Lima, Peru isinailalim sa state of emergency dahil sa mga kilos protesta

Nagdeklara ng state of emergency sa Lima, Peru at tatlo pang rehiyon dahil sa mga protesta laban sa presidente na si Dina Bluarte.

Umabot na sa 42 ang naiulat na nasawi bunsod ng mga protesta na ikinasa nitong nagdaang mga linggo.

Naghigpit na ang militar sa Peru at ilang constitutional rights ang kailangang suspendihin kabilang ang freedom of movement and assembly.

Simula noong Disyembre ay nagsagawa ng protesta ang mga taga-suporta ni ousted president Pedro Castillo.

May mga nagmartsa sa lansangan at iginigiit ang pagkakaroon ng panibagong eleksyon.

Sakop ng state of emergency ang capital na Lima, at mga rehiyon ng Cusco at Puno, gayundin ang Port of Callao. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *