Pangulong Marcos nagtungo sa Switzerland para dumalo sa World Economic Forum
Umalis si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. patungong Davos, Switzerland.
Kasama ang kaniyang delegasyon dadalo ang pangulo sa World Economic Forum (WEF).
Sa kanyang mensahe, inihayag ng pangulo na mahalaga ang partisipasyon ng bansa sa WEF dahil isa itong pagkakataon para ibahagi ang mga mahahalagang nakamit ng Pilipinas sa pagsasaayos muli ng ekonomiya at paghihikayat sa mga malalaking negosyante at investors mula sa iba’t ibang bahagi ng buong mundo.
Ito ang kauna-unahang in-person meeting ng WEF matapos ang halos tatlong taon dahil sa COVID-19.
Isa rin ito sa pinakamalaking public-private forum sa buong mundo na dadaluhan ng 52 na heads of state. (DDC)