DPWH magsasagawa ng weekend road reblocking
Magsasagawa ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng reblocking at repairs sa ilang pangunahing lansangan sa Metro Manila ngayong weekend.
Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dakong alas 11:00 ngayong gabi,Enero 13 sisimulan ng DPWH ang pagkukumpuni sa C-5 Service Road, Barangay Bagong Ilog malapit sa Rizal Medical Center sa kanto ng Julia Vargas at Lanuza Avenue, Brgy. Ugong malapit sa Valle Verde 5 Pasig City; C-5 Road Southbound (3rd lane) Makati City; at EDSA Southbound (Balingasa Creek hanggang Oliveros Footbridge) Quezon City.
Bubuksan sa mga motorista ang mga apektadong kalsada sa Lunes,Enero 16 sa ganap na alas-5:00 ng madaling araw.
Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta upang hindi maabala. (Bhelle Gamboa)