Commemorative coin sa paggunita ng 150 years ng martyrdom ng GomBurZa ibebenta ng BSP

Commemorative coin sa paggunita ng 150 years ng martyrdom ng GomBurZa ibebenta ng BSP

Simula sa January 16, 2023 ay mabibili na ng mga coin collector ang 150-PIso commemorative coin.

Ito ay bilang paggunita sa ika-150 taon ng martyrdom ng GomBurZa.

Ayon sa BSP ang 150-Piso commemorative ay hindi magiging available para sa circulation.

Limitado lamang ito at ibebenta sa halagang P2,200 bawat isa.

Tampok sa limited series commemorative coin ang portraits nina Fathers Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora na may markings na “REPUBLIKA NG PILIPINAS” at may denomination “150-Piso.”

Ang likod nito ay may markings na “EXECUTION OF THE THREE MARTYR PRIESTS,” may BSP logo, at dedication ni Dr. Jose Rizal sa El Filibusterismo, silhouette ng Andres Bonifacio Monument sa Caloocan City, at official logo ng 150 Years of Martyrdom ng GomBurZa.

Ang barya ay gawa sa nordic gold na may diameter na 34mm at bigat na 15g.

Maaaring mabili ang commemorative coin sa https://bspstore.bsp.gov.ph simula ala una ng hapon sa Jan. 16. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *