DOH-Region 8 nagbabala sa posibleng pagtaas ng water-borne diseases, influenza, leptospirosis at dengue

DOH-Region 8 nagbabala sa posibleng pagtaas ng water-borne diseases, influenza, leptospirosis at dengue

Nagpalabas ng abiso ang Department of Health (DOH) – Eastern Visayas sa posibleng pagtaas ng kaso ng W.I.L.D diseases dahil sa naranasang patuloy na pag-ulan at pagbaha.

Ayon sa DOH-Region 8, inaasahang magpapatuloy ang mga nararanasang pag-ulan dulot ng low-pressure area (LPA) at northeast monsoon.

Dahil dito, maaari ding magkaroon ng pagtaas sa mga kaso ng W.I.L.D. diseases o Water-borne diseases, Influenza, Leptospirosis, at Dengue caused by a variety of bacterial, viral, and parasitic organisms.

Sinabi ng DOH Eastern Visayas na partikular maaaring tumaas ang kaso ng leptospirosis dahil maraming mga lugar ang binaha.
Maaari ding dumami ang mga lamok na nagdadala ng sakit na dengue at malaria.

Kabilang sa higit na dapat mag-ingat ayon sa DOH ang mga buntis, mga bata, nakatatanda at mga may mahinang immune system.

Para maging ligtas sa nasabing mga sakit, ipinayo ng DOH Na gawin ang mga sumusunod:

1. Tiyaking ligtas ang iniinom na tubig. Mas mainam kung magpapakulo ng tubig sa loob ng 2-minuto o higit pa.
2. Tiyaking luto ang mga kinakaing pagkain. Iwasang kainin ang mga tirang pagkain.
3. Palaging maghugas ng kamay bago at matapos kumain at pagkatapos gumamit ng palikuran. Tiyaking laging tuyo ang katawan at panatlihin ang personal hygiene.
4. Tiyakin ang maayos na waste disposal. Tiyaking malinis ang paligid para hindi pamahayan ng mga insekto gaya ng daga.
5. Iwasang maglaro o lumusong sa tubig-bahal lalo na kung may sugat. Kung hindi maiiwasan, tiyaking gumamit ng rain boots. Kailangan ding agad hugasan ang paa ng malinis na tubig at sabon.
6. Magpatingin sa doktor kapag nakaranas ng sintomas.

Pinayuhan din ng DOH ang mga Local Government Units (LGUs) na gamitin ang kanilang anti-W.I.L.D. diseases equipment at iba pang medical supplies para maiwasan ang paglaganap ng nasabing mga sakit. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *