904 sa 954 na mga police general at colonels nakapagsumite na ng courtesy resignation
Umabot na sa 95 percent ng mga 954 na police generals and colonels ang nagsumite ng kanilang courtesy resignation.
Ayon kay Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos, 904 na mga generals at colonels na ang naghain ng resignation kaya 50 na lamang ang natitirang hindi pag nagsusumite.
Nagpasalamat si Abalos sa positibong pagtugon ng ng mga police official at pagtitiwala.
Mayroong binuong 5-man committee para aralin ang isinumiteng resignation ng mga pulis.
Pag-aaralan din ng National Police Commission (Napolcom) ang mga pangalan ng police officers na matatanggap ang resignation. (DDC)