P19M na halaga ng smuggled na asukal nakumpiska sa Tondo, Maynila
Nakumpiska ng mga otoridad ang humigit-kumulang P19 million na halaga ng smuggled na puting asukal sa Manila International Container Port (MICP) sa Tondo, Maynila.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) K9 Force, nakita ang saku-sakong smuggled na puting asukal sa loong ng llimang container van na base sa mga dokumento ay naglalaman ng mga insulator, surge arrester, slipper outsole, at styrene-butadiene rubber.
Maghahain ng warrant of seizure and detention para sa naturang kargamento dahil sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
Maliban sa PCG, kasama rin sa operasyon ang Department of Agriculture-Wide Field Inspectorate (DA-WFI), Bureau of Plant Industry (BPI), at Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) ng Bureau of Customs (BOC). (DDC)