Fastfood chain sa Pasig ipinasara ng LGU dahil sa water waste na diretso sa creek

Fastfood chain sa Pasig ipinasara ng LGU dahil sa water waste na diretso sa creek

Iniutos ng Pasig City Local Government ang pagpapasara sa isang branch ng KFC sa Brgy. Kapasigan.

Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto, ang makapal na sebo at water waste ng naturang fast food chain ay diretso sa Parian Creek.

Nabatid din na walang Environmenal Permit to Operate (EPO) ang nasabing branch.

Sinabi ng alkalde na papayagang muling mag-operate ang naturang branch ng KFC sa sandaling makakuha na sila ng EPO.

“I love KFC, but I share this as a warning to other establishments,” ayon kay Sotto. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *