Pagbebenta ng sibuyas na P170 per kilo sa Kadiwa Stores ihihinto na ng DA

Pagbebenta ng sibuyas na P170 per kilo sa Kadiwa Stores ihihinto na ng DA

Simula ngayong araw (Jan. 13) ititigil na ng Department of Agriculture (DA) ang pagbebenta ng sibuyas sa mga Kadiwa Store na P170 ang presyo kada kilo.

Ayon kay DA Deputy Spokesperson Rex Estoperez, maaari pa rin namang magbenta ang mga magsasaka ng kanilang produktong sibuyas sa Kadiwa Stores pero hindi na ito subsidized ng DA.

Una nang iniutos ng Office of the Ombudsman ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa kontrobersiyal na kasunduan na pinasok ng DA sa isang farmer cooperative.

Ayon sa Ombudsman, bumili ang DA ng sibuyas sa Bonena Multipurpose Cooperative sa halagang P537 per kilo at ibinenta ang mga ito sa Kadiwa ng P170 kada kilo.

Hindi naman tinukoy ni Estoperez kung ang Ombudsman investigation ang dahilan kung bakit ihihinto na nila ang pag-subsidized sa mga ibinebentang sibuyas sa Kadiwa. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *