“Darna” costume inirampa ni Celeste Cortesi sa Miss Universe national costume competition
“Lipad Darna Lipad” ang peg ni Celeste Cortesi sa preliminary competition ng Miss Universe pageant.
Sa National Costume Competition ng Miss Universe na ginanap umaga ng Huwebes (Jan. 12) inirampa ni Cortesi ang Darna-inspired costume nito.
Ayon sa Miss Universe Philippine Organization, sumisimbolo ang costume sa kabutihan, empathy at empowerment.
Pagpapakita din umano ito ng kawalang takot na labanan ang “injustices”.
Si Oliver Tolentino ang nag-disenyo ng national costume ni Cortesi habang ang headpice at accessories ay likha ni Jerome Navarro.
Naging maganda din ang performance ni Cortesi sa swimsuit at sa long gown preliminaries.
Ang 71st Miss Universe grand coronation night ay nakatakda sa January 14 sa New Orleans Morial Convention Center sa Louisiana. (DDC)