LPA at Shear Line magpapaulan sa malaking bahagi ng Visayas at Mindanao

LPA at Shear Line magpapaulan sa malaking bahagi ng Visayas at Mindanao

Makararanas pa rin ng pag-ulan ngayong araw sa malaking bahagi ng Visayas at Mindanao dahil sa umiiral na Low Pressure Area (LPA) at Shear Line.

Ang LPA ay huling namataan sa layong 380 kilometers East ng Surigao City, Surigao del Norte.

Ayon sa PAGASA, dahil sa LPA at Shear Line, makararanas ngayong araw ng maulap na papawirin na may kalat-kalat hangang sa malawakang pag-ulan sa Eastern Visayas, Central Visayas, Northern Mindanao, Negros Occidental, Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur, Agusan del Norte, Surigao del Norte, at Dinagat Islands.

Maulap na papawirin din na may kalat-kalat na pag-ulan ang mararanasan sa Bicol Region, Romblon, at sa nalalabing bahagi ng Visayas at Mindanao.

Maulap na papawirin din na may pag-ulan ang mararanasan sa Cagayan Valley, Aurora, Quezon, at sa nalalabing bahagi ng MIMAROPA dahil sa Northeast Monsoon.

Habang makararanas naman ng mahinang pag-ulan sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng Luzon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *