Ret. Army Gen. Jovito Palparan kabilang sa mga Bilibid PDLs na nagparehistro para makaboto sa susunod na eleksyon

Ret. Army Gen. Jovito Palparan kabilang sa mga Bilibid PDLs na nagparehistro para makaboto sa susunod na eleksyon

Mapapayagan nang makaboto sa mga susunod na halalan si Retired Army Major General Jovito Palparan Jr.

Kabilang kasi si Palparan sa mga nakapagparehistro sa idinaos na special satellite registration ng Commission on Elections (Comelec) sa New Bilibid Prisons (NBP).

Nakulong si Palparan sa kasong kidnapping at serious illegal detention hinggil sa pagkawala ng dalawang UP students na sina Karen Empeño at Sherlyn Cadapan noong 2006.

Taong 2018 nang siya ay ilipat sa Bilibid.

Bagaman convicted na, si Palparan ay pinayagan pa ding makapagparehistro dahil mayroon pa itong nakabinbin na apela sa guilty verdict sa kaniya ng korte sa Malolos.

Si Palparan kabilang ang iba pang PDLs sa Bilibid ay kinuhanan ng ng biometrics at lagda bilang bahagi ng voters registration. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *