Maynilad magpapatupad ng rebate sa mga customer na sineserbisyuhan ng Putatan Water Treatment Plants

Maynilad magpapatupad ng rebate sa mga customer na sineserbisyuhan ng Putatan Water Treatment Plants

Magbibigay ng rebate ang Maynilad Water Services sa mga customer nitong naapektuhan ng pangmatagalang water service interruptions.

Kabilang dito ang mga customer na sineserbisyuhan ng Putatan Water Treatment Plants (PWTP) at naapetuhan ng mga service interruption na ipinatupad ng Maynilad mula Dec. 20, 2022.

Ayon kay Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) chief regulator Patrick Uy, sa imbestigasyon na ginawa ng kanilang Regulatory Office, napatunayang nilabag ng Maynilad sa Service Obligation nito na tiyakin ang availability ng uninterrupted 24-hour supply ng tubug sa mga customer na nasa PWTP Supply Zone.

Sa pulong na idinaos noong Jan. 6, 2023, tinaggap ng Maynilad ang naging findings ng MWSS-RO at boluntaryong nagsabi na magpapatupad sila ng rebate.

Isinasapinal na ngayon ng MWSS-RO ang proseso para matukoy ang magiging halaga ng rebate.

Inatasan din ng MWSS-RO ang Maynilad na madaliin ang pagbabalik ng normal na water supply sa mga apektadong customer nito. (DDC)

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *