4,661 na Metro cops, binigyan ng promosyon

4,661 na Metro cops, binigyan ng promosyon

Aabot sa 4,661 na pulis sa Metro Manila ang nabigyan ng kanilang promosyon sa idinaos na simultaneous oath-taking, donning at pinning of ranks para sa 2nd Level Uniformed Personnel sa NCRPO Grandstand, Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.

Pinangunahan ang nasabing ‘mass oath-taking’ ceremony ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director,Major General Jonnel C. Estomo matapos pumasa sa metikuloso at mahigpit na screening ng 512 Police Commissioned Officers (PCO’s) at 4,149 Police Non-Commissioned Officers (PNCO’s) ng uniformed personnel para sa 2nd Level Regular Promotion Program ng taong 2023 na may ranggong lieutenant hanggang major mula sa mga distrito sa Metro Manila.

Inilahad ni Estomo na ang ipinagkaloob na promosyon sa mga nasabing pulis ay isang ‘maturity’ na para sa kanya ay dapat tandaan, pahalagahan at isapuso bilang isang alagad ng batas upang labanan ang iligal na droga sa bansa.

Tiwala ang NCRPO chief na ang mga bagong napromote na pulis ay magiging kaakibat ng NCRPO na sugpuin ang kriminalidad para sa isang mapayapang komunidad.

Bukod dito,nakasungkit din ng promosyon ang PNCOs simula Corporal hanggang Sarhento na ginanap naman sa Southern Police District (SPD) grandstand sa Fort Bonifacio, Taguig City na pinangunahan ang naturang seremonya ni SPD District Director Kirby John Brion Kraft.

Samantala, sumailalim naman sa mandatory drug testing ang mga station commanders na may ranggong Lt. Colonel mula sa Manila Police District (14) at Quezon City Police District Office (16) nang daluhan ang emergency meeting na ipinatawag ni Estomo sa NCRPO conference room.

Ito ay tugon sa internal cleansing sa hanay ng pulisya at ang ‘courtesy resignation’ na panawagan ni Secretary of Interior and Local Government (SILG) Atty. Benjamin Abalos para sugpuin ang ilegal na droga. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *