Pinsala sa agrikultura ng pag-ulan dulot ng Shearline, ITCZ, LPA at Amihan umakyat na sa P355M

Pinsala sa agrikultura ng pag-ulan dulot ng Shearline, ITCZ, LPA at Amihan umakyat na sa P355M

Umabot na sa mahigit P355.6 million ang halaga ng pinsala sa agrikultura ng mga naranasang pag-ulan at pagbaha dulot ng Shearline, ITCZ, LPA at Northeast Monsoon sa mga rehiyon sa bansa.

Ayon sa datos mula sa Department of Agriculture (DA), ang mga lugar na naapektuhan ay sa mga rehiyon ng MIMAROPA, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, at Caraga.

Umabot sa 13,324 na mga magsasaka ang naapektuhan at 8,226 metric tons ng pananim ang nasira.

Kabilang sa napinsala ang mga pananim na palay, mais, at high value crops.

Umabot din sa 138 na mga livestock at poultry ang nasawi. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *