Mga residenteng nasalanta ng bagyo sa Occidental Mindoro binigyan ng alagaing kalabaw
Namigay ang Pamahalaang Panlalawigan ng Occidental Mindoro ng mga alagaing kalabaw sa mga residente na naapektuhan ng nagdaang bagyo.
Ang programa ni Gov. Eduardo B. Gadiano katuwang ang Provincial Veterinarian Office (PVET) kung saan pinagkalooban ng alagaing kalabaw ang mga residente sa SAMARICA area o San Jose, Magsaysay, Rizal, at Calintaan.
An mga benepisyaryo ay pawang naapektuhan ng nagdaang mga bagyong Tisoy, Quinta at Ursula partikular ang mga magsasaka na nawalan ng alaga nilang kalabaw at baka.
Ang programa ay bahagi ng Typhoon Tisoy-Ursula-Quinta Livestock Rehabilitation Project – Restocking of Animals ng Department of Agriculture.
Layon nitong matulungan ang mga naapektuhan na residente magkaroon muli ng mga alagaing baka at kalabaw sa kanilang mga bukirin. (DDC)