Rekomendasyon ng PNP na suspendihin ang network services para sa idaraos na Sinulog Festival sa Cebu inaprubahan ng NTC

Rekomendasyon ng PNP na suspendihin ang network services para sa idaraos na Sinulog Festival sa Cebu inaprubahan ng NTC

Inatasan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang mga telecommunication company na suspendihin ang kanilang network services sa pagdaraos ng Sinulog Festival 2023 sa Cebu.

Ang memorandum na nilagdaan ni NTC Deputy Commissioner at OIC Ella Blanca Lopez ay kasunod ng rekomendasyon ni Police Brig. Gen. Jerry Bearis, Regional Director ng PNP Regional Office 7 para pansamantalang putulin ang lahat ng network services sa January 14 at January 15.

Sa memorandum ng NTC, partikular na mawawala ng network services sa sumusunod na petsa at oras:

– Jan. 14, 2023 (Sabado) – 4AM to 10AM para sa pagdaraos ng Fluvial Procession sa Mandaue City, Lapu-Lapu City at Cebu City.

– Jan. 14, 2023 (Sabado) – 12NN to 8PM para sa Solemn Procession sa uptown at downtown ng Cebu City.

– Jan. 15, 2023 (Linggo) – 5AM to 7PM para sa Sinulog Grand Parade sa Downtown Cebu City at sa SRP.

Ang memorandum ng NTC ay naka-address sa Digitel Mobile Philippines, Globe Telecom, Smart Communications at sa DITO Telecommunity. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *