MMFF 2022 kumita ng P500M; apat na pelikulang may mataas na gross sales inilabas ng MMDA

MMFF 2022 kumita ng P500M; apat na pelikulang may mataas na gross sales inilabas ng MMDA

Umabot sa P500 million ang kinita ng Metro Manila Film Festival (MMFF) batay sa opisyal na datos na inilabas ng MMDA.

Ayon kay MMDA Chairman Atty. Romando Artes, na siya ring MMFF Over-all chairman, nakamit ang target gross para sa MMFF 2022 sa kabila ng nararanasan pa ding pandemya ng COVID-19.

Walong pelikula ang itinampok sa MMFF at ipinalabas sa mga sinehan mula December 25, 2022 hanggang January 7, 2023, at pinalawig pa ang showing hanggang January 13, 2023.

Ang apat na MMFF 2022 official entries na may pinakamataas na gross sales ayon kay Artes ang Deleter, Family Matters, Labyu with an Accent, at Partners in Crime.

Samantala sinabi ni Artes na ilulunsad na din ng MMDA ang Metro Manila Summer Film Festival sa Abril sa pakikipagtulungan sa Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP).

Nakatakdang maglabas ang MMDA ng guidelines kabilang ang deadline sa pagsusumite ng entries.

Magkakaroon din ng Parade of Stars para MMFF Summer Edition na idaraos sa April 1, habang ang Awards Night ay sa April 11. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *