13 sasakyan na-impound dahil sa ilegal na pagparada sa NAIA
Nagsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa bisinidad ng Ninoy Aquino International Airport (MIAA) laban sa mga sasakyan na ilegal na pumaparada sa paliparan.
Kasunod ito ng pakikipagpulong ng NAIA authorities at MMDA para matugunan ang problema sa colorum at illegally parked vehicles sa NAIA.
Pinangunahan ni MMDA Task Force on Clearing Operations Head, Col. Edison “Bong” Nebrija ang pagsasagawa ng clearing operations at pag-alis sa mga sasakyan na ilegal na nakaparada kabilang ang mga colorum motorcycles o tinatawag na “habal-habal”.
Hiniling ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang tulong ng MMDA dahil nagdulot ng matinding traffic sa NAIA terminals ang mga colorum na sasakyan noong nagdaang Christmas peak.
Ayon sa MMDA kabuuang 35 violations ang naitala kung saan 29 ang naisyuhan ng tickets.
Mayroon ding 13 sasakyan ang nahatak at 13 ang na-impound. (DDC)