Holbot-holbot na ginagamit sa pangingisda sa Zamboanga Sibugay hinulog ng Coast Guard

Holbot-holbot na ginagamit sa pangingisda sa Zamboanga Sibugay hinulog ng Coast Guard

Umasiste ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa paghuli sa isang bangkang pangisda na gumagamit ng Modified Danish Seine gear, na kilala sa lokal na tawag na “holbot-holbot”.

Ang nasabing bangka ay namataan sa karagatang sakop ng Payao, Zamboanga Sibugay.

Ipinagbabawal ng Department of Agriculture (DA) ang paggamit ng “holbot-holbot” dahil nakasisira ito sa coral reefs, seagrass beds, at iba pang fishery marine habitats.

Nagpalabas ang BFAR ng notice of violation sa may-ari ng bangka at sinampahan din ito ng kasong administratibo.

Ang ikinasang maritime law enforcement operation ay bahagi ng mas pinalakas na operasyon ng Coast Guard District Southwestern Mindanao para masiguro na naipatutupad ang closed fishing season na tatagal hanggang sa March, 1, 2023 para maparami ang species ng isdang ginagamit sa paggawa ng sardinas. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *