COVID-19 positivity rate sa NCR bumaba sa nakalipas na isang linggo; positivity rate sa ilang lalawigan sa Luzon nasa “low level” na
Malaki ang ibinaba ng naitalang positivity rate ng COVID-19 sa Metro Manila sa nakalipas na isang linggo.
Ayon sa OCTA Research, mula sa 9.1 percent na positivity rate noong Dec. Dec. 31, 2022 ay bumaba ito sa 5.8 percent na lang noong Jan. 7, 2023.
Samantala, bumaba sa “low level” ang positivity rate sa mga lalawigan ng Batangas, Bulacan, Ilocos Note at Pangasinan.
Ang positivity rate sa Batangas ay nasa 4.9 percent na lang, 3.5 percent sa Bulacan, 4.3 percent sa Ilocos Norte at 4.3 percent din sa Pangasinan.
Nananatili namang nasa “high level” ang positivity rate sa Albay (25.6 percent) at Isabela (35.1 percent). (DDC)