LPA sa Davao City magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa

LPA sa Davao City magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa

Makararanas ng pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa ngayong araw dahil sa binabantayang Low Pressure Area (LPA) ng PAGASA sa Davao City.

Ang LPA ay huling namataan sa layong 705 kiometers east ng Davao City.

Dahil sa nasabing LPA, ngayong araw ng Martes (Jan. 10) ay makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan sa Visayas, Mindanao, Albay, Catanduanes, Sorsogon, at Masbate.

Northeast Monsoon naman ang umiiral sa buong Luzon.

Ayon sa PAGASA, makararanas ng maulap na papawirin na may pag-ulan sa Cagayan Valley, Quezon, Aurora, Marinduque, at sa nalalabing bahagi ng Bicol Region.

Sa Metro Manila naman at sa nalalabi pang bahagi ng Luzon, bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may mahinang pag-ulan ang mararanasan. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *