Usec. Jose Faustino Jr. nagbitiw bilang DND OIC; Carlito Galvez Jr. bagong kalihim ng DND
Nagbitiw na sa puwesto si Department of National Defense (DND) officer-in-charge Usec. Jose Faustino Jr.
Ayon kay Presidential Communications Office OIC Sec. Cheloy E. Velicaria-Garafil, tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbibitiw ni Faustino.
Kasunod nito ay inalok ng pangulo ang posisyon bilang DND Secretary kay Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity Sec. Carlito Galvez Jr. (DDC)