Reusable eco bags ipinamahagi sa mga mamimili sa Suki Market

Reusable eco bags ipinamahagi sa mga mamimili sa Suki Market

Daan-daang reusable eco bags ang ipinamahagi ng Las Piñas City Environment and Natural Resources Office (CENRO) sa mga mamimili sa Suki Market Moonwalk,Barangay Talon Uno.

Ito ay sa ilalim ng inisyatibo nina Mayor Mel Aguilar at Vice- Mayor April Aguilar mula sa kanilang upcycling project.

Ayon sa CENRO ang mga lumang tarpaulins ay ginagamit bilang raw material sa naturang proyekto upang iproseso at gawing eco bags.

Ang nasabing hakbang ay upang maiwasan ang paggamit ng plastic bags bilang tugon sa City Ordinance No. 1036-11 , ang ordinansang nagbabawal sa paggamit at distribusyon ng thin film, single use , carry out, plastic bags at polysterene foam ng mga komersiyalismong establisyimento na layuning mabawasan ang bilang o dami ng mga basura sa lungsod.(Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *