Business Permit, Sanitary Permit at Health Certificate ng maliliit na Sari-Sari Store sa Pasig, libre na
Naglabas ng ordinansa sa Pasig City na mapakikinabangan ng mga maliliit na Sari-Sari Store sa lungsod.
Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto para sa mga Sari-Sari Store na ang taunang kita ay P250,000 lamang, ang kanilang Business Permit ay gagawin na lamang Special Permit.
Ibig sabihin, hindi na sila kailangang magbayad para sa Business Permit.
Maliban sa Business Permit ay libre na din ang Sanitary Permit, at Health Certificate ng mga maliliit na Sari-Sari Store sa lungsod.
Sinabi ni Sotto na tulong ito para sa mga maliliit na negosyo sa Pasig upang lalong lumago ang lokal na ekonomiya.
Makakatulong din aniya ito hindi lang sa negosyo’t ekonomiya, kundi pati sa “public health”.
Ito ay dahil mas mas mahihikayat ang mga store owners na magpa-checkup para sa health certificate. (DDC)